20090514

Dahil matagal akong hindi nag-post...usapang eleksyon muna..


Marahil napapansin natin sa telebisyon ang mga paunang pahapyaw ng mga politiko na nagbabalak tumakbo sa pagkapresidente sa darating na eleksyon.

Marami ng eleksyon ang nagdaan sa ating bansa mula pa nung unang ihayag ang ating pagiging malaya sa pagkakaluklok ng kauna-unahang presidente ng Pilipinas na si...sino nga ba yun?..Basta sya..!Ngunit mula ng mabaon sa utang ang bansa sa panahon ng "DAKILANG" dating pangulo na si Marcos ay wala pa ring nagbabago. Meron pala, lalo daw naghihirap ang ating bansa. Nakakalungkot naman..'=(

Kaya hindi nakapagtataka kung ilan sa ating mga kababayan lalo na 'yung mga anakpawis ay nawawalan na ng tiwala sa sistema ng halalan sa ating bansa. Maraming agam-agam ang nabubuo sa kanilang mga isipan dahil sa walang humpay na panloloko ng ibang politiko na walang ginawa kundi magbulay-bulay kung papaano nila madadagdagan ang kayamanang hindi naman sa kanila.

Kabataan!!! Oras na para tayo naman ang magluklok ng magiging bagong pangulo ng ating bansang sawang-sawa na sa mga alibugha at mga buhong politiko. Ito na ang panahon ng pagbabago..(teka, hindi po ako tatakbo sa eleksyon..) Ito na ang panahon na hindi na dapat masayang ang mga indelible ink sa ating mga hintuturo sa pagboto..(tama ba ang aking pagkakabaybay ng indelible?)

Sa mahabang panahon ng pagsasawalang-bahala sa paghalal ng magiging pinuno, dapat ng gumising ng mga kabataang naghahangad ng maunlad na bansa, bansang walang paghahapis at hindi nakararanas ng hayap na buhay.

Kabataan!!! Hindi natin makakamit ang inaasam na pagbabago hanggat walang naglalakas loob na kumilos. Walang palay na nagiging bigas kung walang bumabayo nito. (OOoopss!nakuha ko lang yan sa tabi-tabi..)

Simulan sa sarili ang maayos na bansa. makialam, mag parehistro at bumoto.(di rin po ako bayaran ng ComElec.)

...ayan, pede na mangampanya..hehehe,.alam ko na pala 'yung unag pangulo ng bansa, si Emilio Aguinaldo


'yan pala ang bunga ng hang-over ko sa mahabang pila sa pagpaparehistro.


20090507

NotesBooks

NotesBooks...


Raisa Duran
Rizzalyn Manlapas
Dare Suelo Borilla
d=]x
sila ang mga myembro ng "NotesBooks" na nakuha ang pangalan dahil sa mga kwadernong ibinigay ni teRai,..at dahil mayamn kami sa letrang "S" ang notebook ay naging NotesBooks..

ito ay binubuo ng mga napaka-seryosong tao sa pangunguna ni teRai..
naganap ang aming unang pag-pupulong (o kung pagpupulong bang matatawag un?)sa bahay ng aming kapatid na si Dha..

dapat magsisimula kami ng ala una y media, ngunit sa kasamaang palad, na huli ang inyong lingkod at si (drumroll)........teRai,..

pero kahit ganoon ang nangyari sa aming unang pagpupulong, naging makabuluhan pa rin naman ang aming pgkikita-kita sapagkat nakaisip kami ng itatawag sa aming pangkat, at yun nga ang "NotesBooks".

kung gusto n'yong marami pang malaman tungkol mga makabuluhang bagay(?) na aming gagawin...bisitahin ny'yo lang ang BLOG namin. NotesBooks@gmail.com..


ung lang po...
Bow!

-Basta ako!

20090506

Pekeng Ngiti!


PAUNAWA: mag-handa ng panyo sa mga kakornihan na mababasa sa post na ito. Pag pasensyahan nyo na kung walang ibang maisulat yung may-ari nga BLOG na ito..


MyHotComments.com
Ngiti...(intro)

Isa sa pinaka madalas nating gawin ekspresyon...

Maraming klase ng ngiti: may ngiting aso o plastik, may ngiting bungisngis, ngiting pilit, ngiting totoo, at may ngiting kailangan lalo na sa harap ng kamera.(yan ay ayon hula ko.)

Ginagamit natin ito sa maraming bagay. Ako, madalas akong ngumiti para itago ang tunay kong nararamdaman(drama!). ngumingiti ako pag masaya, natutuwa, kahit galit, naiinis o naiirita. dapat nakangiti pa rin.(para sikat.):-)

kadalasan, malaki ang naitutulong ng pag ngiti, lalo na kung galit o naiinis. Wala lang! Isa ito sa mga nagiging paraan para di lumabas ung pagkainis ko o yung galit ko(di ba,paulit-ulit ung "ko")....Pansamantala! Pero pag kalipas ng pekeng ngiti, at sa oras na ako na lng mag-isa(nakuha ko toh kay willie), maramig bagay ang pumapasok sa isip ko. Tama ba ung ginagawa ko? Ayos lang ba ngumiti kahit di ka masaya?
tulong naman oh,,..para may jamming!
kahit ano..
-Basta ako!

20090503

makabagbag dadaming tula.

Lagi Naman


Daanang lisaw,

Dating tahanan

Buhay na windang

Sya ang kalunasan


Noo’y nagging palalo

Hanap ay pamuok

Ng Sya’a Makita

Nawala ang pakaw sa puso


Kalian lang ay garalgal

Isaip ay inaako

Ng ang salita Niy’y malaman

Pagkarimarim ay naglaho


Ano ka dati?..

Ano ka ngayon?

Sya’y nandyan

Lagi naman…




Dahil wala akong maisip na ipaskil sa aking BLOG.

Ayan ang tula para sa Kanya.

Basta, basta, basta.

UNA KONG POST!

Ito ang kauna-unahan kong post sa blog..

na katatapos ko lng din gawin..

habang ginagawa ko to..

nanggugulo si ate "RAI"..(special mention)

buti na lng mahaba ang pasensya ko..

NOTE:

hindi lahat ng nakasulat dito ay totoo..

hindi rin puro kalokohan..

>bahala ka na..
-basta ako!